Habang sila ay nasa kaniya-kaniyang pwesto, mapapansin ang
kanilang masigla at malusog na pangangatawan. Parang walang katapusan ang kanilang
buhay habang nagpapakasarap sa kaban ng bayan. Minsan nga ay natanong ko sa
sarili ko kung may kaluluwa pa silang mga namumuno sa ating bayan. Kung may
pananampalataya pa ba sila sa diyos o kilala pa kaya nila itong lumikha sa
atin? Dahil sa sobrang hirap na dinadanas ng mga tao sa ating bansa,lalo na ang
mga mahihirap nagagawa pa nilang isipin ang kanilang sarili kumpara sa kapakanan ng mas nakakarami.
Kung iisipin pare-pareho lng naman ang ugali nilang lahat na
namumuno sa ating bansa,iisa lng ang kanilang iniisip. Karamihan sa kanila ay
magnanakaw, kung hindi ay mapagsamantala sa kanilang posisyon. May masasabi
kaba na pangalan ng Pulitiko na namuno sa ating bansa na hindi nagsamantala,ang
kanyang kaibigan o pamilya? Makakapagbigay ka ba ng pangalan ng Pulitiko na
umamin sa nagawa niyang kasalanan?,.na hindi nagsakit-sakitan?
Nakakalungkot mang isipin na hindi pantay pantay ang
hustisya sa ating bansa.Kung sino pa ang may kasalanan sila pa ang mas pinapaboran.
No comments:
Post a Comment